Patients
Maligayang pagdating sa CMSH!
Upang matiyak na magiging kaaya-aya ang inyong pagbisita, mangyaring suriin ang aming gabay para sa pasyente sa ibaba.
House Rules
-
Ang oras ng pagbisita sa pasyente ay mula ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi.
-
Iwasang magsama ng bata na pitong (7) taong gulang pababa sa pagdalaw sa pasyente.
-
Limitahan ang bantay sa dalawang (2) tao lamang.
-
Maging maunawain sa kalagayan ng ibang pasyente. Hinaan ang boses tuwing nakikipag-usap.
-
Isupot muna ang mga tirang pagkain bago itapon sa basurahan. Iwasang itambak ang mga tirang pagkain lalo na ang kanin at ulam upang maiwasan ang pagdumog ng mga langgam, ipis at iba pang insekto.
Panoorin ang video para sa karagdagang House Rules... ➡️
Patient Handbook
Table of Contents:
-
About CMSH
-
Our House Rules
-
Your Rights & Responsibilities
-
Our Services
-
Our Clinic Hours
-
Our Rooms & Rates
-
Our Food Menu
-
Financial Assistance
-
Contact Us
Basahin ang Patient Handbook para sa karagdagang impormasyon... ➡️
I-download ang Patient Handbook (Tagalog):
I-download ang Patient Handbook (English):
Frequently Asked Questions
1. Tumatanggap ba kayo ng online payments
Para sa hospital bill at outpatient services, tumatanggap kami ng online payments tulad ng GCash, Maya, at iba pang mga debit/ credit card.
2. Anong mga HMO ang accredited sa inyong ospital?
Kami ay accredited ng mga sumusunod na HMO: 1. INTELLICARE 2. AVEGA 3. MEDICARD 4. COCOLIFE 5. HMI 6. ICARE/INLIFE 7. ETIQA 8. PHILCARE 9. EASTWEST 10. MEDASIA 11. GENERALI 12. AMAPHIL 13. KAISER 14. VALUCARE 15. ASKI
3. Ano ang mga schedule ng inyong mga doktor?
Para sa mga schedule ng mga doktor, maaaring i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1CGFrXq2Pw/
4. Anong dokumento ang kailangan para sa pagproseso ng Patient Refund?
Para maproseso ang refund, ang pasyente o kaanak ng pasyente ay kailangang magdala ng sumusunod na dokumento: 1. Sales Invoice mula sa cashier 2. Credit Note mula sa Ancillary Department 3. Kopya ng Valid ID ng kukuha ng refund
5. Saan maaaring makakuha ng Medical Abstract?
Para sa mga naka-admit (inpatient), i-scan ang QR code sa nurse station na naka-assign sa inyo, punan ang kinakailangang impormasyon, at mag-follow up sa nurse station matapos ang 24 oras.
6. Pwede bang magpa-photocopy ng Medical Abstract?
Oo, maaari ninyong ipa-photocopy ang Medical Abstract at lagyan ito ng stamp na Certified True Copy sa Medical Records Office.
7. Saan makukuha ang Discharged Summary?
Makukuha ang Certified True Copy ng inyong Discharged Summary sa Medical Records Office, isa (1) hanggang dalawang (2) araw matapos ma-discharge.
8. Paano kumuha ng Medical Certificate?
Para sa mga naka-admit: Siguraduhing may final bill muna bago humiling. Kapag may final bill na, i-scan ang QR code na nakapaskil sa harap ng aming opisina, punan ang kinakailangang impormasyon, at ipakita ang valid ID sa Medical Records Officer. Kung representative ka lamang, dalhin ang iyong valid ID, valid ID ng pasyente, at authorization letter mula sa pasyente. Para sa outpatient: Maaari itong hingin direkta sa inyong attending physician na may pirma niya. Para sa multiple copies: Maaaring ipa-photocopy ang Medical Certificate at ipastamp ng Certified True Copy sa Medical Records Office.
![[CMSH] Logo_edited](https://static.wixstatic.com/media/04b7c1_02d66678d4664192bc61471506657b5b~mv2.png/v1/fill/w_60,h_60,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/%5BCMSH%5D%20Logo_edited.png)